Sisimulan na ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Management Council at MDRRMO’s na mag-update ng kasalukuyang Contingency Plans para sa Bulkan Bulusan.
Ito ay matapos na sumailalim sa 5 araw na Contingency Planning Training and Formulation na isinagawa ng Office of Civil Defense Bicol.
Ito ay upang matiyak na ang kasalukuyang mga hakbang sa preparedness measures at arranged response procedures sa pagtugon para sa mga aktibidad ng Bulusan Volcano ay updated at upang masiguro na lahat ng mga paghahanda ay angkop sakaling ang nasabing bulkan ay magpakita ng abnormalidad.
Hamon naman ni OCD Bicol Regional Director Claudio Yucot sa nasabing mga tanggapan na tapusin ang na-update na Contingency Plan sa lalong madaling panahon.
Mababatid na ang updated Contingency Plans ay unang aaprubahan ng kani-kanilang PDRRMCs at ng Sangguniang Bayan at ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.
