Pag-ulan bunsod ng bagyong Kiko, nagdulot ng landslide sa ilang lugar sa Cagayan Valley

Nagdulot ng pagguho ng lupa ang nararanasang pag-uulan bunsod ng Bagyong Kiko sa iba’t-ibang bahagi sa lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay OCD Region 2 Information Officer Michael Conag, naiulat sa kanilang tanggapan ang pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng mga lansangan sa bayan ng Kayapa at Ambaguio maging sa ilang barangay roads sa Aritao sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Gayunman, nakapagsagawa naman aniya ng agarang road clearing kaya’t passable na ang mga daanan.

Nakaantabay din ang mga equipment ng DPWH sa mga landslide prone areas upang maisagawa ang maagap na paglilinis sa mga lansangan.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Maliban dito ay mayroon din naitalang landslide sa Quirino Province sa bahagi ng junction ng Nagtipunan-Nueva Vizcaya road kaya’t isang lane lamang ang maaaring madaanan.

Wala namang naiulat na nasugatang mga residente at pinsala sa ari-arian sa mga naitalang pagguho ng lupa.  

Photos: PIA Region 2