Pag-lift ng open pit mining ban sa South Cotabato, tinututulan

KORONADAL CITY — MARIING tinututulan ngayon ng South Cotabato Irrigators Agricultural Federation o SCIAF ang proposal na alisin na ang open pit mining ban sa lalawigan na napapaloob sa Environmental Code ng South Cotabato.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay SCIAF President Teodorico Fadrigo, naniniwala silang malaki ang pinsalang dulot ng open pit mining sa kanilang mga sakahan.

Sinabi ni Fadrigo na sakaling maapektuhan ang mga katubigan sa bulubunduking bahag ng Tamapakan, maaapektuhan din ang daloy ng tubig papunta sa sakahan sa buong probinsiya.

Sa ngayon ramdam na umano ang epekto ng climate change at posibleng lumala ito sakaling payagan ang open pit mining.

Dahil dito, hinihiling ng grupo sa Sangguniang Panlalawigan o SP – South Cotabato na pag-aralang mabuti ang nabanggit na proposal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *