Kaso ng delta variant sa Tacurong, fake news ayon sa PHO

KORONADAL CITY — TINAWAG na “fake news” ng Sultan Kudarat Provincial Health Office ang balitang nakapasok na sa probinsiya ang pinangangambahan at mas nakakahawang delta variant ng coronavirus disease o Covid-19.

Ayon kay Sultan Kudarat Provincial Health Officer Dr. Gina Galinato, hintayin ang kumpermasyon ng Department of Health o DOH ukol sa posibleng kaso ng delta variant sa lalawigan at huwag basta maniwala sa mga impormasyong nakikita sa social media.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Nilinaw naman ni Galinato na may delta variant man o wala, mahigpit na ipinatutupad sa lalawigan ang mga programa laban sa Covid-19.

Read More:  5 dead in Sorsogon City market fire, including mother and daughter

Patuloy naman ang panawagan ng nasabing opisyal sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols laban sa Covid-19.