High Value Target Timbog sa operasyon ng PDEA BARMM sa bayan ng DOS Maguindanao!

ISANG High Value Target Drug personality ang nalambat sa buybust operation ng mga operatiba ng PDEA-BARMM nitong umaga ng Sabado sa gilid ng Isulan-Cotabato Highway na sakop ng Brgy. Poblacion 2, Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ang suspek ay kinilala ng PDEA-BARMM ang suspek na si Arsad Gunda Salik alias Arsad Ketong Salik alias Taktak, 31anyos at residente ng Barangay Tulunan, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao.

Ayon sa Team Leader ng PDEA Operatives na si Agent Tan, putok na putok na daw aniya ang pangalan ng suspek at sa maghigit isang buwan nilang pagmamanman ay lumabas na positibo sa pagtutulak ng iligal na droga sa Maguindanao at sa mga karatig lalawigan.

Nakasamsam ang mga anti-narcotics operative mula sa pag-iingat ni TAKTAK ng drogang nasa 50 grams at may national average price na P340,000.00, isang 1911model 45. Pistol na may nakasuksok na magazine at isa pang extra magazine na naglalaman ng bala, Dalawang mga cellphone, mgha ID at kasamang nabawi ang ginamit na buy-bust money.

Nakapiit na ngayon ang suspek sa custodial facility ng PDEA BARMM at nakatagdang isampa ang kanyang kaso na paglabag sa RA9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *