Pag-kidnap sa Chinese businessman sa Maynila – pinatutukan ng DILG sa PNP

Pinatutukan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. sa Philippine National Police (PNP) ang kaso ng pagdukot sa isang 27-anyos na Chinese National sa Sta. Cruz, Maynila.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Sa isang ambush interview kay Abalos, sinabi nitong ipinag-utos na niya sa PNP na imbestigahan ang naturang kaso.

Ipinasa na ng Manila Police District (MPD) sa Anti-Kidnapping Group sa Kampo Krame ang usapin.

Read More:  NPA member killed in Occidental Mindoro clash as troops recover rifle

Batay sa kuha ng CCTV, kakauwi lamang ng biktima nang bigla na lamang dukutin ng hindi pa nakilalang suspek.

Dahil dito, naalarma ang mga residente sa lugar dahil ito ang unang beses na may nangyaring pagdukot sa Sta. Cruz, Maynila.