Pag-iwas sa sakit sa puso matapos na manguna sa sanhi ng pagkasawi sa bansa noong 2022

NAGA CITY- Ischemic na sakit sa puso ang nangunguna sa pagkasawi sa Pilipinas noong 2022 batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Philippine Heart Association (PHA) Director at Chair for Advocacy Dr. Luigi Pierre Segundo, kung titingnan ang mga record hindi COVID-19 ang nanguna sa bansa at sa buong mundo.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang Pebrero ay Philippine Heart Month, sa bisa ito ng Proclamation No. 1096 noong 1973.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Mylene Milla ng Bula Rural Health Unit, sinabi nitong tutukan nila ang mga programa sa pangangalaga sa puso lalot malaki ang naging negatibong epekto ng pandemya sa pangangatawan at diet ng isang tao.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang LGU ay may schedule na Zumba isang araw sa isang lingo para sa mga empleyado. Mayroon din aniyang grupo na nagpapa Zumba na bukas para sa lahat. Kasabay ng pag-ikot ng bagong deloy na nurses, sinabi ni Milla na bigyan diin din ang kahalagahan na nakakagalaw-galaw.