Pag-iisyu ng TRO – hindi raw ikagugunaw ng mundo

Nanindigan si Atty. Neri Colmenares na wala namang masamang mangyayari kung mag iisyu ng Temporary restraining order ang korte suprema hinggil sa deadline ng franchise consolidation.

Ayon kay Colmenares, paulit ulit na niyang sinabi na hindi naman magugunaw ang mundo kung sususpindihin nila ang December 31 deadline habang inaaral ang petisyon.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Aniya, pag natuloy ang deadline mas magugunaw ang mundo ng maraming operator, tsuper at komyuter dahil lahat sila apektado.

Wala din umanong nagbabawal sa korte suprema na mag isyu ng TRO tuwing biyernes, weekend o holiday kaya umaasa silang ilalabas agad ito ng Korte Suprema para pigilan ang December 31 deadline para sa consolidation.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, nag isyu na kahapon ng order ang korte suprema sa LTFRB at DOTr na magkomento na sa petisyong inihain ng grupong PISTON, drayber at komyuter.