Pag-ihi ng mga drivers sa gate ng YBLI, ikinalungkot ng management

KORONADAL CITY – IKINALUNGKOT ng pamunuan ng Yellow Bus Lines Inc. dahil ginawa na ng ilang mga tricycle drivers na pag-ihian ang gate o pader sa gilid ng entrance ng kanilang mga bus units.

Ito ang inihayag ni Bernard Bolanio, Operations Manager ng YBLI sa panayam 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan inirereklamo na ito ng ilang mga pasahero maging ng management dahil sa bumabaho na ang kanilang lugar.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa kaganapang ito, apektado na sila maging ang kanilang mga empleyado dahil kadalasang gaya na sa isang bulangan ang kanilang terminal dahil maingay umano at nagiging dahilan ng pag-aaway ng mga drivers dahil sa pasahero.

Dahil sa hindi pagsunod sa polisiya at patakaran na ipinatutupad ng Yellow Bus lines Inc., ginagamit ng iba na namamasada na tricycle ang bike lane at sidewalk na ang kanilang ginagamit na parking space. Dagdag nito, na hindi nila gusto na maging dahilan ng problema sa mga nagbibike at dumadaan sa sidewalk dahil lamang sa mga pasaway na mga drivers.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na ang kanilang opisina sa City Traffic Management Office o CTMO ng Koronadal dahil maliban sa pangyayaring ito, nagsagawa rin ang mga ito ng pagsusugal.