Baboy sa Catanduanes, tinanggalan ng Pata nang buhay

BNFM Bicol–Kalunos-lunos ang sinapit ng isang baboy sa bayan ng Virac, Catanduanes matapos na tanggalan ng dalawang pata nang buhay ng hindi pa nakikilalang salarin.

Sa isang Facebook post ibinahagi ni Mary Lyn Tabirara Avila – Icaro makikitang nakabulagta na ang baboy sa koral nito at wala nang mga Pata.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Tinapyas na kasi ang isa sa harapan at likurang pata ng naturang baboy.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kwento nito na papakainin lang sana ng tagapag-alaga ng Baboy nang makita na wala nang buhay. Nakatakda pa man ding sanang katayin ang baboy sa araw ng kapistahan sa kanilang lugar. ### KENNETH BERMIL

Photos: Mary Lyn Avila/Facebook