Pinatunayan ng mag-asawang Bonie, 73, at Nilo, 41, na walang pinipiling edad ang tunay na pag-ibig. Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2007 at ikinasal noong 2018, kaya’t umabot na sila ng 17 taon sa kanilang masayang pagsasama.
Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad, matagumpay nilang nalampasan ang mga hamon na hinarap ng kanilang relasyon.
Sa isang vlog ni Cristine Babao noong Marso 1, 2024, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang kakaibang love story. Bata pa lamang si Nilo nang una niyang makita si Bonie, na noon ay 42 anyos na. Sampung taong gulang pa lamang si Nilo nang manirahan si Bonie sa probinsiya nila, at tila love at first sight ang naramdaman niya para sa future wife niya.
Mula noon, naging malapit na magkapitbahay sina Bonie at Nilo. Halos ka-edad lamang ni Nilo ang mga anak ni Bonie, kaya’t madalas niyang dinadalaw ang kanilang bahay upang makita si Bonie.
Ang kanilang pagkakaibigan ay nagbunga ng matibay na pagsasama na nagtagal ng halos dalawang dekada, patunay na ang tunay na pag-ibig ay walang pinipiling edad. ### Rumer Grant, Intern