P100K na illegal na droga, nasabat sa Occidental Mindoro

Arestado ang apat na indibidwal matapos mahulihan ng mahigit P100,000 halaga ng hinihinalang iligal na droga sa isinagawang buy bust operation sa Barangay San Roque, San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon sa awtoridad, isang pulis ang nagpanggap bibili ng isang plastic sachet na may lamang shabu sa halagang P1,000 mula sa mga suspek.

Kinilala ang mga ito na sina Alyas Josh, isang High Value Target ng PDEA, alyas Lando, Ian, at alyas Germ, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Narekober pa sa mga suspek ang pera na ginamit bilang buy-bust money, tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 12.5 grams at ilan pang drug paraphernalia.

Sa kasalukuyan, inihahanda na ang kasong paglabag sa “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa mga suspek.