Arestado ang apat na lalaki sa iligal na pangingisda sa Puerto Galera

Kulungan ang bagsak ng apat na lalaki matapos mahuli sa aktong nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Sto. Niño, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Kinilala ng mga awtoridad ang apat na suspek na sina alyas “Roy”, alyas “Zosimo”, alyas “Meldwin” at si alyas “Roy”, pawang mga residente ng Barangay San Isidro, Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Batay sa report, naaresto ang mga suspek sa ikinasang operasyon ng Puerto Galera MPS at Bantay Dagat LGU Puerto Galera, kung saan nakumpiska sa mga suspek ang isang piraso ng orange na air compressor, at dalawang piraso ng homemade speargun.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8550 o ang Philippine Fisheries Code of 1998.