Nilinaw ng Pag-IBIG Bicol ang kahalahagan ng pag-avail ng calamity loan na ini-aalok ng ahensya tuwing may deklarasyon ng State of Calamity sa isang lugar dahil sa tumatamang kalamidad.
Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Josephine Alamil, isa sa mga marketing head ng ahensya, sinabi nito na kumpara sa ibang mga loan, ang calamity loan ang may pinakamababang interes na umaabot lamang sa 5.95% na maaaring bayaran sa loob ng dalawa o tatlong taon.
Aniya, malaking ginhawa ito para sa isang Pag- IBIG member dahil mas mababa ang tubo sa calamity loan kung ikukumpara sa ibang multi-purpose loan na ang interes ay umaabot ng halos 8-10%, kung kaya’t dapat itong samantalahin ng mga miyembro lalo na ang mga naapektuhan ng kalamidad.
Sa ngayon, patuloy na ang pagdagsa ng mga nais mag-avail ng calamity loan sa mga Pag-iIBIG branches sa buong rehiyon.
