LEGAZPI CITY – Nakatakdang magsagawa ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Jovellar katuwang ang Municipal Health Office para sa libreng mobile x-ray 2nd Edition sa Jovellar Municipal Gymnasium sa darating na Nobyembre 17.
Ayon sa LGU, aabot na 246 ang slots ang kanilang masisilbihan sa mga barangay kung saan kinakailangan lamang magpalista sa kanilang nurses o midwife upang mabigyan ng libreng serbisyo.
Nilinaw nito na ang tanging magiging kwalipikado para sa libreng chest x-ray ay senior citizen, household contact ng isang TB patient, healthcare worker, dating may TB, pasyenteng mahigit dalawang linggo na may ubo at sipon at marami pang iba.
Ang nasabing aktibidad ay handog ng PBSP at Albay PHO sa ilalim ng National Tuberculosis Program katuwang ang LGU at Rural Health Unit ng nasabing bayan.