Pag giba sa Brgy hall ng San Agustin sa Candaba, Kinukuwestiyon ng dating Kapitan

Kinu-kwestyon ng dating kapitan ng Barangay San Agustin sa bayan ng Candaba ang pagpapa giba sa kanilang barangay hall.

Ayon kay Engr. Rudy Dela Peña, hindi umano dumaan sa public consultation at wala ring bgy resolution ang pagpapa demolish sa kanilang barangay hall.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Tila hindi pa rin daw dumaan sa bidding ang planong pagpatatayo ng bagong barangay hall.

Dagdag pa ng dating kapitan, nasa 15 taon pa lang na nakatayo ang kanilang bgy hall.

Sinasabi daw kasing papalitan naman daw ng bago ang barangay hall kung saan ang munisipyo ang mag popondo.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Samantala, nilinaw ni Dela Peña na hindi pamumulitika ang pag kwestyon nito sa pag giba sa kanilang barangay hall, dahil hindi naman daw sya tatakbo sa nalalapit na halalan.