Pag-cull sa mga baboy dahil sa ASF, dapat ma-witness ng PCIC para sa insurance claims

KORONADAL CITY — NANANAWAGAN ngayon ang Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC-11 sa mga nag-aalaga ng mga baboy na imbitahin ang kanilang ahensya sakaling may isasagawang culling dahil sa kaso ng African Swine Fever o ASF.

Ito ang inihayag ni Reynaldo Lagdameo, Claims Adjustment Division Chief ng PCIC-11 sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa ospiyal, importanteng makita ng kanilang mga tauhan ang isasagawang culling para sa insurance claims ng mga hog raisers na nakapa-insure ng kanilang mga alaga.

Paalala ni Lagdameo, sakaling hindi makita ng mga personnel ng PCIC ang isasagawang culling, maaaring hindi mabigyan ng benepisyo ang isang hog raiser. Ayon din umano ito sa guidelines ng PCIC ukol sa insurance claims.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Paalala na lamang ng PCIC na ugaliing sumunod sa kanilang mga patakaraan upang makuha ang mga benepisyong nararapat.