Mga aktibidad na isasagawa sa 6km permanent danger zone ng bulkan mayon Camalig, Albay, tigil muna – Camalig Tourism Office

LEGAZPI CITY – Ipinatigil muna ng Camalig Tourism Office ang lahat ng aktibidad na isinasagawa sa 6km permanent danger zone ng Bulkan Mayon sa Albay.

Ayon kay Jed Villanueva, OIC ng nasabing opisina, mahigpit na ipapatupad ang pagbabawal ng mga aktibidad na nasa 6km permanent danger zone ng nasabing bulkan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Hindi muna papayagan ang pagbibisikleta, trail running, camping, trekking, mountaineering, at iba pang mga aktibidad.

Pansamantalang sinuspinde ang permit to operate ng Camalig Trail Tour Services sa Radar Trail sa Brgy. Anoling ng nasabing bayan.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ang mga barangay council ng Anoling, Quirangay, Sua, Salugan at Tumpa ay inatasan na magtalaga ng mga barangay tanod upang subaybayan at ipatupad ang nabanggit na advisory.