Nai-turn over na ngayong araw ng Department of Public Works and Highways Region 3 at Department of National Defense sa Lokal na Pamahalaan ng Olongapo City ang bagong Multi-Purpose Evacuation Center.
Ito ay proyekto na pindondohan ng National Government para may magamit na pasilidad ang lungsod.
Ngayong na-turn over na ito ay ang LGU Olongapo na umano ang siyang maglalaan ng pondo para sa pagmimintina ng pasilidad.
Pinasalamatan ni Mayor Rolen Paulino ang Pamahalaang Nasyonal sa pagtitiwala sa syudad na mabigyan ng ganitong pasilidad na magagamit rin aniya hindi lang ng taga-lungsod kundi maging ng mga taga ibang lugar sa rehiyon kung kakailanganin man.
Ayon sa Department of Public Works and Highways Region 3, maagang natapos ang pasilidad na dapat sana ay sa buwan pa ng Oktubre.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
