Pag-ban ng Pangulo sa Cabinet members sa Senate probe, inalmahan

Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Gabinete na huwag dumalo sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi ni Drilon na may red flags ng unconstituionality ang utos ng Pangulo dahil ang Senado lamang ang saklaw nito, partikular na ang mga pagdinig ng Blue Ribbon.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ipinunto niya na pinapayagan pa rin ng Pangulo ang pagdalo ng mga kalihim sa mga pagdinig ng House of Representatives.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Kaugnay nito ay tinukoy naman ni Senator Panfilo Lacson ang memorandum ng Pangulo na opisyal na nagbabawal sa mga miyembro ng Gabinete na umattend sa mga hearing ng Senado bilang “Gordon-specific”.