NAGA CITY – “Makakabuti ba para sa lahat o mas makikinabang ba ang marami?”
Ito ang dapat na isipin at alalahanin ng Gobyerno at ng bawat mag-asawa bago ang tuluyang pag-apruba ng Divorce Bill sa Pilipinas, ayon kay Maria Dolores Delos Reyes, Naga City Registry Office Head.
Aniya, malaking katanungan din kasi kung paano makakatulong ito lalo na’t ang makaka-avail lamang ay mga may kaya, papaano ang mga nasa laylayan na kahit pagpaparehistro sa mga anak mahirap pa. Pangawala, paano ang sistema kung naka-tatlo nang divorce, tapos mag-aasawa ulit, nasa kanino ang problema, at higit sa lahat mas kawawa ang mga anak na maiiwan lalo na’t 53% ang illegitimate na mga bata sa buong Bicol batay sa Philippine Statistics Authority at 47% lamang ang mga legitimate, na adbokasiya na matulungan at makasal ang mga mag-asawa na hindi pa kasal sa lungsod.
Sa panayam naman kay Cely Astillero, dating Barangay Opisyal at isang ina sa Barangay San Juan Bautista, Goa, naniniwala siyang walang magandang maidudulot ito dahil sa pangsariling iniisip ng mga nais makipaghiway, maging ang pagkatakot sa Diyos mawawalan nang saysay at higit sa lahat mas maghihirap ang Pilipinas kung maaprubahan sa kadahilanang maraming anak ang maiiwan.
Gayunpaman, ayon pa kay Delos Reyes, ang pag-aasawa ay hindi bed of roses na kapag hindi na kaya ay basta na lamang mang-iiwan.