Ilang Barangay sa Naga City, may mangilan-ngilan nang kaso ng Dengue bago pa man makaranas ng pag uulan-ulan

NAGA CITY – Abalang-abala na ngayon ang mga barangay opisyal sa Naga City sa pagpatupad 4S Kontra-Dengue na kinabibilangan ng Search and Destroy tulad ng  paglilinis sa mga drainage canal,pagkalkal sa mga ito para mawala ang mga nakabarang mga basura at dumi na siyang puwedeng tirhan ng mga lamok     

Sa Barangay Dayangdang,ganito rin ang ginagawa nila kasama pa ang Seek Early Consultation,ang laging pag-abiso sa mga resedente na magpatingin agad sa doctor kung may sintomas na ng dengue,lalo na ang mga bata,mga buntis na nanay at mga senior citizens na madaling magkasakit dahil sa mahihina na ang kanilang resestensiya.

Nakapanayam ng Brigada News Fm Naga si Dayangdang Barangay Kagawad Gil Belen,at sinabi nitong may mga schedule na rin sila sa iba pang mga dapat gawin para malabanan ang anumang pagkalat ng dengue na meron na sa ibang lugar tulad ng Barangay Concepcion Grande na may isa ng kaso at nasa mabuti na ring kalagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *