Pag-angat sa Wushu at Track and Field inaasahan ng DepEd Camarines Sur sa Palarong Pambansa

CAMARINES SUR- Umarangkada na ang Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City; umaabot sa 600 na mga atleta mula sa Bicol Region ang sumasabak roon.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Salvador Pelingon, tagapagsalita ng DepEd Camarines Sur, sinabi nitong inaasahan  nila ang pag-angat ng mga atleta sa Wushu at Track and Field. Tiwala naman ito sa mga naging pagsasanay ng mga manlalaro at natiyak ang kahandaan hindi lamang sa laro kundi sa anumang sitwasyong kahaharapin. Suportado sila ng Provincial Government.

Samantala, nabanggit ni Pelingon ang magandang pagtanggap sa kanila sa Don Sergio Osmenia Labangon High School o ang Billeting School.

Matapos ang 30-taon muling nakapag host ang Cebu City sa isa sa mga malaking sporting event sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *