Mga lumang collectibles sa Bayan ng Alici, itatampok sa kanilang 75th diamond julibee municipal town fiesta

MGA LUMANG COLLECTIBLES SA BAYAN NG ALICIA, ITATAMPOK SA KANILANG 75TH DIAMOND JUBILEE MUNICIPAL TOWN FIESTA Hinahanap ngayon ng Local Government Unit ng Alicia ang mga collector ng mga lumang gamit upang makibahagi sa “TAWID ti Alicia: Alicia’s Finest Treasures” na bahagi ng kanilang 75th Diamond Jubilee Municipal Town Fiesta of Alicia.

Kinakailangan lamang na ang mga collectibles ay mayroong edad na 30 hanggang 50 at mayroong historical significance o cultural value.

Ayon pa sa Alicia Tourism and Cultural Affairs, mas matanda ang item ay mas mataas ang tiyansang manalo.

Kabilang naman sa mga maaaring i-submit na entries ay ang mga lumang sasakyan, lumang mga kasuotan, isports, lumang agricultural equipments, lumang furnitures, at marami pang iba.

Bukod sa kompetisyon, magkakaroon naman ng pagkakataon ang mga residente na mabalikan ang nakaraan sa pamamagitan ng public viewing ng mga collectibles.

Maaari namang manalo ang mga collectors na sasali ng mga cash prizes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *