Babala hinggil sa pekeng opisyales, inilabas ng LTO CALABARZON.

Naglabas ng babala ang Land Transportation Office o LTO CALABARZON hinggil sa mga nag papanggap na opisyales ng kanilang ahensya at nang hihingi ng per ana kapalit ang anumang proteksyon.

Nagbigay rin ng babala ang naturang ahensya  sa mga pampasaherong bus, jeepney, tricycle operators, at mga transport groups upang hindi ito mabiktima ng ganitong modus.

Dagdag pa rito, wala raw ganitong aktibidades ang opisina at ang lahat ng transaksyon nito ay dumaan sa tamang proseso ng walang anumang hinihinging ekstrang kabayaran.

Samantala, nais ng LTO na ipaalam agad sa kanilang opisina kung may mga impormasyon tungkol sa ganitong gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *