Aabot sa 440 na infrastructure project ang nakalinya sa Northern Mindanao upang mapalakas ang kanilang agricultural productivity.
Sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Lanao del Norte, sinabi nitong kabilang sa mga proyektong ito ay farm-to-market roads, irrigation systems, at potable water systems.
Sa oras na matapos, inaaasahang pakikinabangan ito ng 176 agrarian reform communities na sumasakop sa 524 Agrarian Reform Beneficiaries organizations o ARBOs.
Sa kabuuang 440 na proposed projects, 155 dito ang itatayo sa Bukidnon; 26 sa Camiguin; 55 sa Lanao del Norte; 142 sa Misamis Occidental; at 62 sa Misamis Oriental.
Nasa 27.62 million pesos naman ang kabuuan ng pondong kailangan sa mga naturang proyekto, na sa ngayon daw ay inaantay na lang na maaprobahan.