Padre de pamilya suspek sa pagpaslang sa mag-ina kasalukuyan nang nakakulong

Kasong double paricide ang kinakaharap ng Padre de pamilya suspek sa pagpaslang sa kanyang mag ina sa Sitio Upper Bubog, Barangay Amas, Brooke’s Point, Palawan.

kahapon nang ma-inquest ang suspect na si Arnel Ablino Abit na ngayon ay kasalukuhang nasa piitan ng PNP Brooke’s Point habang hinihintay lumabas ang warrant of arrest.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Ayon kay PLt. Norzelito Avanceña PNP –Brooke’s Point, isang lolo ng suspek na barangay tanod ang naging witness kung saan inamin umano sa kanya ang nagawang krimen ng suspek na si Arnel na nadisgrasya umano nito ang kanyang mag-ina.

Lumalabas din na sariling itak ng mga biktima na may habang 12 inches ang ginamit sa pananaga.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Matatandaan, ganap na 1:00 ng madaling araw January 2, 2022 nang maganap ang krimen sa mag-iisang taong gulang na anak na duguan, may taga sa muka at hindi kalayuan sa bahay natagpuan din ang katawan ng ina ng bata na tadtad ng taga sa ulo, putol ang kamay at hubo’t hubad.