Pacquiao, wagi sa special exhibition match laban kay DK Yoo

Wagi sa special exhibition match si Manny Paquiao laban sa Korean mixed martial artist na si DK Yoo.

Umiskor ng dominant unanimous decision win si Pacquiao laban kay Yoo sa kanilang exhibition bout sa Korean International Exhibition Center kahapon.

Bago ito,  naiwan na duguan ang ilong ng Koreano sa pagtatapos ng ikaapat na round matapos ang sunud-sunod na suntok na pinakawalan ni Pacquiao.

Ang kikitain sa exhibition match ay ido-donate sa mga pamilyang naapektuhan ng giyera sa Ukraine, kung saan pinaplano rin ni Pacquiao na magtayo ng mga tahanan para sa mga mahihirap na Pilipino.

Si Pacquiao ay hindi lumaban ng mahigit isang taon mula nang matalo siya kay Yordenis Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision noong Agosto 2021.

Ang kanyang pagbabalik sa boksing ay nagpasiklab sa mga usapan tungkol sa isang potential rematch sa dating karibal na si Floyd Mayweather Jr., na patuloy na nakakakita ng aksyon sa mga exhibition fight mula noong kanyang pagreretiro.

Gayunman, inamin ni Pacquiao na wala siyang ideya kung matutuloy ang sequel ng kanyang 2015 megabuck clash kay Mayweather.//CA