Cristiano Ronaldo, luhaang umalis sa World Cup matapos talunin ng Morocco ang Portugal, 1-0 sa quarterfinals

Luhaang umalis si Cristiano Ronaldo sa 2022 World Cup matapos gumawa ng kasaysayan ang Morocco nang talunin ang Portugal , 1-0 sa quarterfinals noong Sabado.

Nakita si Ronaldo na inihatid ng isang miyembro ng staff mula sa pitch sa Al Thumama Stadium patungo sa dressing room ng Portugal pagkatapos ng pagkatalo.

Sa unang pagkakataon naabot ng isang koponan ng Africa ang World Cup semifinals kaya hindi napigilan ni Ronaldo ang kanyang emosyon.

Sinimulan ni Ronaldo ang round of 16 at quarterfinal games ng Portugal bilang kapalit pagkatapos ma-bench ng coach si Fernando Santos.

Sa kanyang 22 laro sa finals, umiskor si Ronaldo ng eight goals  at mas maaga sa torneo ngayong taon. Siya ang unang men’s player na nakaiskor sa limang World Cup.//CA