Abalos, nagbabala  tungkol sa isang bloody campaign laban sa mga Scalawags

Nagbabala si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. tungkol sa isang bloody campaign upang alisin ang mga law enforcement agencies na scalawags.

Ang babala ay kasunod ng pag-aresto sa tatlong PDEA agents dahil sa pagtatangkang magbenta ng P9.18 milyong halaga ng shabu.

Gayunpaman, mabilis na nilinaw ng hepe ng DILG na ang kanyang pagtukoy sa isang “madugong” kampanya laban sa mga scalawags ay hindi nangangahulugan ng pagpatay kundi ang pagpapakulong sa mga ito.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Nagbabala rin ang kalihim sa lahat ng mga tagapagpatupad ng batas maging sa iba pang manggggawa sa gobyerno na masasangkot sa kalakalan ng iligal na droga ay walang puwang sa gobyerno.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Ang 1.35 kilo ng shabu na nasamsam ay pinaniniwalaang na-recycle at hindi naging hadlang ang kanilang pagiging PDEA agents para arestuhin ng mga operatiba ng NCRPO.

Samantala, pinag-aaralan na ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang mga hakbang para matigil ang “lucrative recycling” ng mga nasabat na iligal na droga.//CA