Pacquiao ibibigay sa charity ang perang kikitain sa exhibition match vs Korean Youtuber

Ito’y matapos na pumayag ang 8-division champion na makaharap si Korean martial artist DK Yoo In sa isang exhibition match, na makakabenepisyo ang mga walang tahanang pamilyang Pilipino.

Ayon kasi kay Pacquiao, gagamitin niya ang kita niya mula rito pang-gastos sa kanyang Pacman Villages.

Read More:  Farm Fresh pulls off reverse sweep against Choco Mucho in PVL

Ang 6-round boxing match ay magaganap sa Disyembre sa Seoul, South Korea.

Ito ang unang pagkakataon na muling magsusuot ng gloves at tatapak sa ring si Pacman, matapos matalo kay Cuban Yordenis Ugas noong 2021.

Read More:  Para swimmer Ariel Joseph Alegarbes secures PH’s second gold in Asian Para Games

Samantala, nanindigan naman ito na siya ay retired na.