Suplay ng blood type o sa bmc kinukulang na; BMC nananawagan ng donors

NAGA CITY – May panawagan ngayon ang Bicol Medical Center sa mga indibidwal na may type O ng dugo na magdonate dahil sa kakulangan nito ngayon sa ospital, na pangunahing kailangan ng mga pasyente.

Ang panawagan na ito ng BMC Blood Bank ay inihayag ni Grace Guevarra, Head ng City Hygiene Clinic sa Brigada News FM Naga para maghanap ng mga donors lalo na sa dugong type O.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Guevarra, sinabi nito na ang dugo kasing ito ang madaling maubos na nagagamit ng mga pasyente kung ihahambing sa ibang blood type tulad ng A, B at AB na bihirang mabawasan.

Universal blood kasi aniya ang type O, madaling hanapin kaya madaling maubos.

Kaugnay nito, pasalamat naman si Guevarra dahil may bloodletting activity ang Brigada News FM Naga at umaasang maraming type O na dugong makokolekta na mailalagay sa blood bank ng BMC para magamit ng mga pasyente.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Mahalagang mag-donate ng dugo dahil bukod sa health benefits nito, ay makakatulong pa sa mga pasyenteng nangangailangan na nasa Bicol Medical Center, sabi pa ni Guevarra.     

Ang bloodletting activity ng Brigada News FM Naga ay gagawin sa Barangay Hall ng Concepcion Grande, Naga City, ngayong Sabado.