Mushroom Production and Cultivation sa bayan ng Basud palalakasin

CAMARINES NORTE- Palalakasin ng Lokal na Pamahalaan ang Mushroom Production and Cultivation sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Noong Martes ay hindi bababa sa 20 mushroom farmers ang isinailalim sa training ng Department of Agriculture Regional Field Office 5 upang bigyan ang mga ito ng kaalaman sa tamang pag-aalaga at pagpaparami ng mushroom para sa kanilang karagdagang kita at panibagong pagkakaabalahan.

Ayon sa Municipal Agriculture Office (MAO) malaki ang potensyal ng mushroom at tulong pangkabuhayan sa mga tao sa naturang bayan.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Ang mushroom kasi ang alternate source ng protina na madalas ang major source ay ang karne.

Ngayong sobrang mataas ang presyo ng karne ay mas maganda umanong mayroong alternative na pagkukunan ng protina na kailangan ng katawan.

Ang problema lang umano sa mushroom ay ang pag- culture at source ng semilya.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Gayunman, nangako umano ang DA na sila ang magpo- provide nito basta magsumite lang ng request ang LGU.

Nakapaka minimal lang din umano ang cost ng gamit tulad ng dayami, plastic bag at sawdust.

Nagbigay rin umano ang DA ng mga drum para sa pag- sterilize ng dayami na puwdeng gamitin bilang grupo.

📷Photos Courtesy: MAO Basud