Pabahay sa mga dating rebelde, sisimulan na – 5TH ID

Inaasahang masisimulan na ngayong buwan ng Hunyo ang pagpapatayo ng sariling bahay ng mga dating kasapi ng rebeldeng grupo matapos lagdaan ang kasunduan na nagpapatibay nito kahapon, May 31, 2021 sa Bangag, Lal lo, Cagayan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Maj. Jekyll Dulawan, ang Chief DPAO ng 5ID, nasa limang mga former rebels na enrolled sa E-CLIP ang inisyal na benepisaryo ng pabahay ng National Housing Authority (NHA) Region 2 sa pakikipagtulungan ng mga kasapi ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aniya, inaasahang ngayong buwan ng Hunyo ay maipapasakamay na ng NHA ang tseke na nagkakahalaga ng 450,000 pesos sa bawat-isa sa kanila para sa kanilang pagpapatayo ng konkretong bahay.

Mayroon na rin aniyang ibibigay na house model ang NHA na pagbabasehan sa itatayong bahay kung saan mayroon itong dalawang kwarto, sala, kusina, hapag-kainan at palikuran.

Sinabi pa ni Maj. Dulawan na gagawin ang konstruksyon sa loob ng anim na buwan katuwang ang kasundaluhan.

Labis naman aniya ang pasasalamat ng mga benepisaryo dahil magkakaroon na sila ng maayos na matutuluyan hindi katulad noong nasa kilusan pa sila.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon pa kay Maj. Dulawan, prinoproseso na rin ang iba pang dating rebelde upang mabigyan din ng pabahay. Ilan kasi aniya sa tinitingnan ng ahensya ay ang pagtatayuan ng lupa at ina-assess din ang mga former rebel.

Kaugnay nito ay muling nanawagan si Maj. Dulawan sa mga natitira pang mga rebelde na sumuko na rin sa pamahalaan upang matamasa ang mga programa ng pamahalaan para sa kanilang mas magandang buhay.