Paano paghandaan ang ‘The Big One’?

Patuloy ang pagsisikap ng Office of Civil Defense (OCD) para maging handa ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mamamayan sa pagtama ng pinangangambahang magnitude 7.2 na lindol sa Greater Metro Manila.

Sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, inilatag ni OCD Undersecretary Ariel Nepomuceno ang mga posibleng solusyon para mabawasan ang bilang ng casualties at injured o masusugtan dahil sa pagtama ng malakas na lindol.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Base kasi sa pag-aaral ng PHIVOLCS at JICA noong 2004, mahigit 30 thousand indibidwal ang posibleng masawi habang nasa 100K hanggang 162K ang posible ring masaktan.

Sinabi ni Usec. Nepomuceno, mahalaga ang kolaborasyon o pagtutulungan ng lahat ng ahensiya at ang pribadong sektor.

Read More:  Camp of former President Duterte continues preparations for ICC trial

Hindi lang kasi dapat whole of government approach kundi whole of society approach ang gamitin ng pamahalaan.

Sinabi rin ni Nepomuceno, dapat ‘science-based’ ang mga nakalatag na solusyon.

Kabilang na rito ang pagpapatatag sa mga itatayong istruktura na kayang manatili kahit gaanong kalakas na lindol ang tumama.