Paa at kamay ng isang motorista, naputol matapos bumangga sa steel barrier

Putol ang kaliwang paa at kamay ng isang Frederick Cabanillas, 38 anyos matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo na Honda TMX 125 sa steel barrier ng kalsada kagabi, June 17, 2023 sa National Highway ng Barangay Antipuluan Narra, Palawan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Si Cabanillas ay residente ng Barangay Apo-aporawan, Aborlan, Palawan.

Batay sa imbestigasyon ng awtoridad, binabagtas umano nito ang National Highway mula sa sur papunta sana ng Norte ng munisipyo.

Subalit dahil sa kalasingan ay nadisgrasya ito at bumangga sa steel barrier dahilan ng matinding pinsala nito sa paa at kamay.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima para lapatan ng medikasyon na sa ngayon ay nagpapagaling na sa pagamutan.