P900-M relief items nakahanda na para sa mga maaapektuhan ng bagyong Odette

Pinaghahandaan na ng National Disaster Risk Reduction and Mangement Council (NDRRMC) ang paghugupit ng bagyong Odette sa bansa.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal nag-umpisa na silang magdeploy ng search and rescue teams sa mga lugar na madadaanan ng bagyo.

Read More:  Hontiveros calls out Meta over violent content after Zamboanga school shooting

Aabot naman sa P900-million halaga ng relief items nakahanda na rin para sa residenteng maaapektuhan ng kalamidad.

Kasabay nito inabisuhan na rin ng ahensiya ang mga Local Government Units na i-alerto ang nasa 10,000 na mga na flood prone at landslide prone barangay upang maka-iwas sa tiyak na kapahamakan.

Read More:  Remulla, Paolo Duterte clash over Davao City as flood control ‘epicenter’

Pinaalalahanan naman ng NDRRMC ang publiko na manatiling sundin ang mga health and safety protocols sa mga inilatag na evacuation centers katulad ng pagsusuot ng facemasks at social distancing.