Nagpapaalala sa mga magsasaka ang DA- Regional Crop Protection Center hinggil sa posibleng pag-atake ng mga peste ngayong wet cropping season.
Ayon sa kagawaran, batay sa mga nagdaang wet cropping season ay kabilang sa mga umaatake sa pananim na palay ay ang brown planthopper, rice stem borer, rice blavk bug, leaf folder, rodents, bacterial leaf blight at rice blast.
Ang brown planthopper ay posibleng umatake sa mga sakahan na mataas ang temperature at patuloy na paglalagay ng ilang insecticides ngunit maaari naman itong maagapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng synchronous planting, pag-iwas sa maraming nitrogen fertilizer, at aplikasyon ng metharizium sp.
Hinikayat naman ng DA RCPC Region 2 ang mga magsasaka na bumisita lamang sa kanilang facebook page o isangguni sa kanilang tanggapan ang mga mararanasang pamemeste sa pananim upang agaran itong matugunan