Ilang lugar sa bansa, positibo sa toxic red tide

Kinumpirma ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na da-detect sa ilang bahagi ng Bohol at tatlong iba pang mga lugar ang toxic red tide.

Sa shellfish bulletin, sinabi ng BFAR na ang mga nakuhang shellfish mula sa ilang lugar ay positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide.

Read More:  ₱125M CF disposed of in less than 24 hours — Madriaga

Kabilang sa mga lugar na ito ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte; at Honda Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan

Dahil dito ay nagbabala ang BFAR sa publiko hinggil sa pagkuha, pagbili, pagbebenta, at pagkain ng mga shellfish na nakolekta sa nasabing mga area.

Read More:  DA: food prices remain stable amid oil crisis

Binigyang-diin ng ahensya na ang anumang uri ng shellfish mula sa mga lugar na ito ay hindi ligtas sa human consumption.

Samantala, nilinaw naman ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon, at mga alimangon ay safe na kainin, basta tiyak na malinis at sariwa ang mga ito.