P862 Million na halaga ng tanim na marijuana sa Kalinga, sinira

Umabot sa halos P862, 000, 000 na halaga ng pinatuyong dahon at tanim na marijuana ang sinira sa Mt. Chumanchil, Tinglayan, Kalinga matapos ang isinagawang COPLAN High Impact Joint Marijuana Operation ng North Luzon Command, PDEA, PNP, PCG at iba pa.

Nagresulta ang naturang operasyon ng pagkasira ng 1, 575 kilos ng tuyong dahon ng marijuana at P3.3 Million na halaga ng fully grown Marijuana sa 195, 000 square meters na plantasyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Pinangunahan ng Tactical Operations Group 2, Philippine Air force ang aerial reconnaissance, personnel insertion and extrication, at transportasyon ng mga ginamit sa maituturing na largest marijuana eradication operation sa bansa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Napag-alaman na ang naturang lugar ang pinanggagalingan umano ng suplay ng illegal na droga na ibinebenta sa kalakhang Maynila at karatig na lugar.

Naniniwala ang mga awtoridad na mapipilayan ang illicit drug trade sa Luzon at matugunan ang layuning maibaba ang mga krimeng dulot ng iligal na droga