P7M halaga ng smuggled na sigarilyo mula Indonesia, naharang sa Zambo

Naharang ng government security forces ang isang barko na nagbibiyahe ng smuggled cigarettes sa Recodo, Zamboanga City.

Ayon kay Atty. Segundo Sigmundfreud Barte Jr., Customs district collector, na ang mga pinuslit na sigarilyo ay mula pa sa Indonesia at naka-packed sa 205 master cases, at may brands gaya ng Cannon, Champion, New Far Gold at New Far Green.

Ang naturang kontrabando ay nagkakahalaga ng halos P7 million.

Nakilala naman ang may-ari ng smuggled cigarettes na certain Pao mula sa Sulu, habang ang items ay tatanggapin sana ng isang certain Hadji Usman pagdating nito ng Zamboanga City.

Inimbitahan naman ng mga otoridad ang 10 crew ng barko para sa imbestigasyon. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *