P777-M halaga ng ilegal na droga, winasak ng PDEA

Winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang nasa 777 milyong pisong halaga ng ilegal na droga sa Integrated Waste Management, Inc. facility sa Barangay Aguado, Trece Martires City, sa Cavite.

Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang mga droga kung saan 66 kilo ang shabu, 1,390 kilo ng marijuana, 14 kilo ng ecstacy, at 428 na gramo ng cocaine.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ang mga iligal na droga ay mga ebidensyang nakuha mula sa iba’t ibang anti-drug operations ng PDEA, kasama ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation, at iba pang law enforcement at military units.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon sa PDEA, ang mga iligal na droga ay winasak alinsunod sa utos ng korte batay sa tamang paraan ng pagtatapon ng mga nakumpiskang ebidensyang droga na ayon sa hinihingi ng batas.