P680K na halaga ng shabu nasamsam sa dayo sa Naga!

NAGA CITY- Timbog sa operasyon ng mga otoridad ang construction worker na umano sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, nasamsam ito ang aabot sa P680,000.00 na halaga ng item.

Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)- Camarines Sur kasama ang Naga City Police Office sa Triangulo kung saan kumagat sa kanilang pain ang 38-anyos na dayo pa mula sa Camaligan, Camarines Sur. Nakuha sa pag-iingat ni Alyas Nelson ang isang nakabigkis na plastic laman ang hinihinalang shabu.

Ayon pa sa ulat ng mga otoridad, nasa 100 timbang ng item. Si Nelson ay 9 taong nakulong dahil sa droga, nakalaya nitong Enero 2024 lamang pero ngayon balik sa dating gawain. Konsideradong High Value target o malaking isda ang suspek. Ibinunyag din ni Agent Dennis ng PDEA na may mga koneksyong nabuo si “Nelson” habang nasa piitan at malaki ang tinatransaksyon sa lalawigan.
Mahaharap na ito sa reklamong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *