4 na pulis na sangkot sa pagdukot sa 4 na dayuhan sa Pasay City, lumalabas na sindikato – DILG

Lumalabas na sindikato ang apat na pulis na naaresto dahil sa pagdukot sa apat na dayuhan sa Pasay City.

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr., galing ang mga pulis na naaresto sa Makati at Pasay Police na nagsama-sama para gumawa ng illegal na gawain.

Sa 4 na biktima, tatlo ang Chinese habang isa ang Malaysian national.

Ayon kay Sec Abalos, nangyari ang insidente ng madaling araw noong June 2.

Nakasakay umano ang mga dayuhang biktima sa isang kotse nang i-flag down ng PNP Motorcycle cops sa Taft Avenue sa Pasay.

Ini-release naman ang isang Chinese at Malaysian national umaga noong June 3 matapos makapagbigay ng 2.5 million pesos na ransom.

Habang nakatakas ang dalawang Chinese at nakahingi ng tulong sa barangay official.

Isa sa naarestong pulis ay may ranggong police major habang ang tatlo ay may mga ranggong, Police Senior Master Sergeant, Police Master Sergeant at Police Staff Sergeant

Sampu pang john does ang pinaghahanap ng mga awtoridad na pawang mga sibilyan.

Ang mastermind sa pangingidnap ay isa rin umanong sibilyan.

Sa ngayon, nahaharap ang mga pulis sa reklamong kidnapping at robbery and serious illegal detention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *