NAGA CITY- Inaprubahan na ng Sangungiang Panlungsod sa pamamagitan ng special session ang pag-release ng P30-milyong piso na na ibinigay ng Malacañang noong tumungo sa Naga City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, matapos ang Bagyong Kristine, gayundin ang quick response fund at kung saan ito gagastusin.
P15M ang inilaan para sa dagdag na relief goods , P10M para sa cash assistance sa mga apektadong pamilya at P5M para sa gamot.
35,000 na food packs ang natanggap ng Naga mula sa Department of Social Welfare and Development ngunit 66,087 families ang kailangan mabigyan kaya magdaragdag pa ng food packs. Kung bibigyan naman aniya ng ayuda ang 66, 087 lalabas na P151.31 ang matatanggap ng bawat pamilya.