P600M halaga ng pondo, ilalaan para sa pag-relocate ng mga pamilyang nasa 6km PDZ ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na aabot sa 600 million pesos na halaga ng pondo ang kailangan upang permanente nang mai-relocate ang mga pamilyang nananatili pa rin sa loob ng 6 kilometers permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Base umano ito sa masusi nilang pag-aaral at assessment sa mga pangangailangan ng aabot sa mahigit 700 na mga pamilya mula sa nasabing PDZ na kinakailangang mailipat na.

Samantala, kasalukuyan na ring isinasapinal ang detailed proposal upang masimulan na ang pagtatayo ng mga bahay para sa mga pamilya.

Kung matatandaan, nailatag na rin sa mga potential donors noong nakaraang donor’s forum ang mga kakailanganin na alinsunod sa Mayon Resilient, Recovery, and Rehabilitation Plan (M3RP) para sa mga apektadong pamilya dahil sa pag-alburoto ng Mayon noong 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *