Habal-habal driver, arestado sa kasong grave threats sa Jovellar, Albay

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang habal-habal driver dahil sa kasong grave threats sa Brgy. Bagacay, bayan ng Jovellar, Albay.

Kinilala ang akusado na si alyas Jayson, 20 anyos, binata at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa nasabing kaso na may piyansang P120,000.

Hawak na ito ngayon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *