Automated Barangay and SK Officials Elections pinaboran ni Atty. Maico Julia Jr. ng COMELEC –Naga

NAGA CITY –  Pinaboran ni Atty. Maico Julia Jr., Comelec Officer ng Naga City ang planong  automated o computerization sa mangyayaring Barangay at SK Elections sa taong 2025 dahil mas makakagaan ito sa kanila tuladng sa national elections, ayos sa abogado.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Sa panayam kay Julia ng Brigada News FM Naga hinggil sa planong ito ng komisyon, sinabi niya na mas maganda kung mangyayari ito subalit nangangailangan ito ng mas malaking pondo dahil maraming kakailanganin na mga vote-counting machines, hindi lang sa Metro Manila, kundi maging sa bawat barangay ng bansa.

Read More:  Three CTG members surrender in Caraga as Army unearths arms cache

Anya’y nakaantabay sila sa magiging hakbang ng kanilang head office, kung saan kukunin ang pondo, kung magkano ang kanilang kakailanganin para maisakatuparan ito o kung hindi naman sa taong 2025, baka sa susunod pang tatlong taon sa 2028.