P60.00 dagdag na suweldo, hinihirit para sa mga garbage collector sa Naga City

NAGA CITY- Mainit man o maulan, araw man o gabi at may okasyon man o wala, makikita ang presensya ng mga garbage collector sa Naga City, pero ang P390.00 na arawang sahod na ito ay hindi sapat ayon na rin mismo sa Solid Waste Management  Office o SWMO.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay SWMO Head Engr. Joel Martin, sinabi nitong P60.00 sana ang nais nilang maidagdag dahil delikado at sobrang nakakapagod ang trabaho.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Sa naging konsultasyon sa mga sektor ni Atty. Leni Robredo ito ang naipaabot nila gayundin ang dagdag na garbage truck. Ang pagbibigay solusyon sa mga problemang ito ay sinangayunan na rin ni Mayor Son Legacion.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon kay Engr. Martin, naiintindihan naman nila na hindi madali ang pagproseso at paghingi ng kaukulang budget para rito subalit ang pagdagdag aniya ng sahod ng mga nasa garbage collection ay pagbibigay importansya sa pagpapagod nila sa pagpapanatili ng kalinisan ng lungsod.