NCPO, may pakiusap sa mga magsasagawa ng kilos protesta sa araw ng SONA

NAGA CITY-Tatlong araw na lang mangyayari na ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, kaliwa’t kanan pa rin ang paghahanda tulad sa seguridad.

Tatlo hanggang apat na grupo na ang nag-apply ng permits sa ilang lokal na pamahalaan para makapagsagawa ng kilos-protesta sa araw ng SONA ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kabilang sa LGUs na ito ang Quezon City.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Ayon kay Naga City Police Office Deputy City Director for Operation PLTCOL. Salvador Ortañez, asahan na ang pag check ng legitimacy ng magsasagawa ng kilos protesta. Hindi aniya pipigilan ang pagkilos dahil karapatan ito pero magbabantay lamang.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Hiling naman ni NCPO Deputy City Director PLTCOL Dario Sola, tutukan lamang ang isyung nais na ipahiwatig huwag nang isama ang mga hindi naman kailangan punain sa SONA.